Humingi ng tulong ang Department of Transportation sa Public-Private Partnership (PPP) Center para gumawa ng feasibility study para sa plano nitong gawing pribado ang EDSA busway.
Sinabi ni Transportation Undersecretary Mark Steven Pastor na ang target na pagkumpleto para sa pag-aaral ay sa loob ng susunod na anim hanggang walong buwan.
Aniya, humingi ang departamento ng tulong sa private-public partnership o PPP center para sa privatization ng ilang bahagi ng EDSA busway.
Dagdag pa niya, isinasaalang-alang din ng kagawaran ang mga programa para sa mga may diskwentong pamasahe kabilang ang posibleng mga seasonal na libreng sakay.
Posisyon ngayon ng departamento na tuklasin ang posibilidad ng pagsasapribado ng mga operasyon at pagpapanatili ng EDSA busway upang makapagbigay ng mas magandang serbisyo sa mga pasahero.
Una rito, pinag-iisipan din ng naturang departamento ang co-implementation scheme ng programa sa mga local government units o LGUs.