Ngayong buwan ng pag-ibig o buwan ng Pebrero, nais ng Department of Transportation (DOTr) na ipagdiwang at pahalagahan ng mga mag-asawa ang saya at excitement sa pamamagitan ng paglulunsad ng “Love Train” sa Metro Rail Transit (MRT) Line-3.
Ang “Love Train” na ito ay magpapatuloy pa rin sa normal nitong tungkulin na maghatid ng mga pasahero ngunit mayroong twist.
Inaanyayahan ni DOTr Assistant Secretary for Railways Jorjette B. Aquino, kasabay na officer-in-charge ng MRT-3, ang lahat, kabilang ang mga broken-hearted at lahat ng single ladies and gentlemen na maranasan ito at makita mismo kung ano ang nasabing programa.
Sinabi niya na ang “Love Train” ay aalis sa North Avenue Station sa alas-10 ng umaga ngayong araw.
Magkakaroon ng maikling programa na nagtatampok ng mga harana kung saan ang Love Booth ng MRT-3 bilang backdrop sa Ayala Station.
Kasabay nito, patuloy rin na aantabayanan ng Bombo Radyo ang nasabing aktibidad upang maibahagi rin sa publiko ang kanilang ilulunsad na ‘love train’ ng MRT-3.