-- Advertisements --
Screenshot 2019 06 27 15 34 45

Umalma ang Department of Transportation (DOTr) sa naging pahayag ni Senator Grace Poe na mas lalong lumala ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT-3) dahil sa lingo-linggo nitong pagkakaroon ng aberya.

Ayon sa DOTr, na mula noong maupo sa puwesto sa Pangulong Rodrigo Duterte ay nabawasan ang mga naitatalang aberya.

Ipinagmalaki pa ng DOTr na mula Enero hanggang Hunyo 2016 na bago ang pumasok Duterte administration ay mayroong 333 na unloading incident kumpara ngayong Enero hanggang Hunyo 2019 na mayroon lamang na 14 insidente.

Paliwanag pa nila na maraming mga technical difficulties silang naranasan bago isagawa ang rehabilitasyon ng nasabing MRT-3.

Nauna rito, nais pagpaliwanagin ng senador ang DOTr dahil sa linguhang aberya ng MRT-3.