-- Advertisements --

Nakalatag na ang ilang mga modernization program sa ilang mga paliparan sa Mindanao.

Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, na mayroon ng nai-award sa isang private concessionaire para sa operasyon at maintenance ng Laguindingan Airport.

Ilan din sa mga nakalinya para sa modernization sa Mindanao ay sa Zamboanga, Mati, M’lang, Jolo, Siargao, Tandang at Bukidnon.

Dagdag pa ng kalihim na sa modernization program ay lalong mapapalakas ang turismo at ang paglago ng ekonomiya sa lugar.