-- Advertisements --
Iniimbestigahan na ng Department of Transportation (DOTR) ang ginawang pag-vandal sa isang bagon ng MRT-3.
Makikita sa ibinahagi ng DOTR ang larawan ng MRT na sinulatan ito gamit ang spray paint.
Sa inisyal na imbestigasyon ay sinira ng mga hindi pa kilalang indibidwal ang likurang bahagi ng Taft Ave. station.
Mahigpit na nilang nire-review ang mga kuha ng CCTV sa lugar para mapanagot ang mga suspek.