Inirekomenda ng Department of Transportation (DOTr) ang expansion o pagpapalawak pa sa motorcycle taxi sa ibang mga lugar, maliban sa Metro Manila.
Ginawa ito ng DOTr sa pamamagitan ng isang proposal para sa pagsasagawa ng isang pilot study parapag-aralan ito.
Ginawa ito ng ahensiya, kasunod na rin ng namonitor na pagdami ng mga naturang uri ng transportasyon sa Metro Manila at pinangangambahan ang posibleng epekto nito sa iba pang uri ng transportasyon.
Umabot na kasi sa 45,000 ang kabuuang bilang ng mga ito sa Metro Manila.
Batay sa rekomendasyon ng DOTr, maaaring ikunsidera ang iba pang malalaking syudad sa bansa, na kinabibilangan ng mga sumusunod:
Cavite, Rizal, Laguna, Batangas, Iloilo, Bacolod, Pampanga, Davao, Zamboanga, Legazpi, General Santos, Pangasinan and Baguio.
Sa kasalukuyan, mayroong 63,000 na alokasyon para sa mga ito sa buong Pilipinas ngunit tanging 54,000 lamang ang naka-enroll.