Ipinagutos ng Deparment of Transportation (DOTr) ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocols sa mga pampublikong sasakyan at terminals sa buong bansa.
Ang nasabing hakbang ay dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng bilang ng mga nadadapuan ng COVID-19.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade na para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 ay nararapat na ipatupad ang mahigpit na health protocols sa lahat ng transport sectors.
Mahigpit din ang bilin nito sa mga enforcers mula Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ganun din ang mga sinanay na marshals na tiyaking nasusunod ang tamang social distancing sa loob ng pampasaherong sasakyan.
Ilan sa mga ipinagbabawal ay ang pagkain at pagtawag sa cellphone habang nakasakay sa mga pampasaherong sasakyan.
Tiniyak nito na papatawan ng karampatang parusa ang mga driver at operator ng pampasaherong sasakyan na lalabag sa nasabing kautusan.