-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Department of Transportation (DOTr) na balik normal na ang mga biyahe sa Manila North Harbor Port.

Sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista, na sa panahon ng Undas ay naging normal ang takbo ng mga pampasaherong barko.

Dagdag pa nito na ang mas maraming pasahero ay tuwing kapaskuhan at Holy Week.

Nakatanggap din ito ng mga magandang feedback sa mga pasahero sa iba’t-ibang pantalan na bumilis at gumand na umano ang mga naibibigay na serbisyo.