-- Advertisements --
Nilinaw ngayon ng Department of Transportation (DOTr) na walang anumang travel advisory ang inilabas ng US laban sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at ilang mga paliparan sa bansa.
Sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon, na kanilang sinulatan ang US Transportation Secretary Administration (TSA) para bigyang linaw ang nasabing kumalat na digital announcement na naka-display sa Sacramento International Airport sa California.
Dagdag pa ng kalihim na ang nasabing travel advisory ay luma na at noon apng 2018 at tinanggal na noong 2019.
Nagkaroon lamang aniya ng pagkakamali ang pamunuan ng paliparan at sila ay humingi ng paumanhin.