-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na hindi sama ng panahon ang dahilan ng sandamakmak na cancelled flights ngayong araw papuntang Hong Kong.

Ayon sa DOTr, dulot ng patuloy na protesta sa naturang rehiyon ang desisyon ng airline companies na kanselahin ang 17 flights.

Kabilang dito ang 11 biyahe ng Cathay Pacific sa Terminal 3; at tatlong flight bukas.

Kanselado rin ang apat na flight ng Philippine Airlines sa Terminal 2; at dalawang biyahe ng Cebu Pacific.

Kaugnay nito, cancelled din ang walong flights mula Manila papuntang Busuanga dahil sa sama ng panahon.

Kasali rito ang apat ng biyahe ng CebGo at Skyjet Airlines.

Batay sa huling ulat, pansamantalang isinara ang stations ng Metro Train sa Hong Kong ngayon matapos maulat na ilang protesters na rin ang humarang sa mga ito para itigil ang operasyon.