-- Advertisements --
image 713

Ikinatuwa ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsertipika bilang “urgent” ni PBBM ang mungkahing Magna Carta ng mga Filipino Seafarers.

Sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na sinusuportahan ng Kagawaran ang agarang pagpasa ng Senate Bill No. 2221, na pinamagatang β€œAn Act Providing for the Magna Carta of Filipino Seafarers.”

ANiya, matagal nang itinaguyod ng DOTr ang legal na suporta para protektahan at bigyang kapangyarihan ang mga Pilipinong marino.

Idinagdag ng transport chief na ang ahensya ng transportasyon ay magbibigay ng kinakailangang tulong upang matulungan ang Kongreso na gawing batas ang Magna Carta of Seafarers.

Ang iminungkahing lehislatura ay naglalayong tugunan ang mga isyu tungkol sa pagsasanay at accreditation ng mga Filipino seafarer at garantiyahan ang pagsunod ng Pilipinas sa mga obligasyon nito sa international community.

Noong 2022, kinatawan ng Pilipinas ang pinakamalaking nasyonalidad ng pandaigdigang maritime crew na may deployment ng 385,000 Filipino seafarers, habang mayroong higit sa 171,000 na sertipikadong Filipino officers na nakasampa sa mga marine vessel noong Abril ng taong kasalukuyan.