Lumagda ng kasunduan o Non-Disclosure ang Department of Transportation kasama ang software company na TAV Technologies para sa ilulunsad na digitalisasyon sa dalawang airport sa bansa.
Ang nasabing kasunduan ay para sa pilot digitalization project sa Davao International Airport at General Santos International Airport.
Ito ay pinirmahan nila DOTr Undersecretary for Aviation and Airports Roberto Lim, Civil Aeronautics Board (CAB) Executive Director Carmelo Arcilla, at ni Aziz Can Aksoyek ng TAV technologies.
Layunin ng aviation initiative na ito na gawing digital ang operasyon ng mga paliparan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Airport Operational Database (AODB) upang mapabuti at mapabilis ang mga tradisyunal na manwal na proseso sa mga paliparan sa Pilipinas.