-- Advertisements --

Lumagda na sa isang kasunduan ang Department of Transportation (DOTr) para sa inaabangang proyekto na expressway mula Metro Manila patungong Bicol region o ang South Luzon Expressway Toll Road 5 (SLEX TR5) kasama ang San Miguel Corporation.

Base sa project description ng DPWH, ang naturang expressway ay may habang 417 kilometers mula sa South Luzon Expressway TR4 Project sa Barangay Mayao sa Lucena City at ang dulo nito ay malapit sa Matnog Ferry Port sa Sorsogon.

Ang expressway project ay may 4-lane toll road na may 28 interchange, 8 segments na parallel sa existing Philippine National Railway, Maharlika Highway at padre Burgos National Road o ng Quirino Highway.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, ang Slex TR5 ay magkokonekta sa probinsya ng Quezon at Bicol.

Inaasahang magbibigay ito ng mas maganda at ligtas na access sa mga tourism destinations, Ro-Ro ports at mga fish ports sa dalawang probinsiya at gayundin makakatulong ito na mabawasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Bicol region.