Magsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang Department of Transportation (DOTr) sa naging emergency landing ng isa sa mga aircraft ng Philippine Airlines (PAL) sa Haneda Airport sa Japan bunsod ng isang usok sa cabin ng eroplano.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, kailangan na alagaan ang safety at comfort ng mga pasahero kaya naman magsasagwa na ng imbestigasyonn ang kanilang pamunuan tungkol sa naturang insidente.
Nagbigay na rin ng abiso ang kalihim sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na tignan kung ano ang nangyari at silipin kung paano nangyari at nagumpisa ang usok sa cabin ng naturang eroplano habang aalamin din kung ano ang mga naging aksyon ng flag carrier ng aircraft sa naging insidente.
Samantala, agad namang inilikas ang mga pasahero ng flight at hinahanapan na ng panibagong aircraft na maaaring magdala sa mga pasahero sa Los Angeles.
Nagpasalamat naman si Dizon sa embahada ng Japan para sa pagpapaabot nito ng tulong at assistance sa mga pasahero.
Pinaalalahanan naman ng kalihim ang pamunuan ng Airlines na palaging tiyaking ligats ang mga aircrafts para sa kaligtasan ng mga pasahero.