Kinumpirma ng Department of Transportation na sa darating na buwan ng Oktubre nila ipapatupad ang bagong rebesang guidelines para sa mga toll expressway sa bansa.
Ginawa ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang pahayag matapos nitong ipagpaliban ang implementasyon mula sa dating August 31.
Ayon sa kalihim, nilalayon ng inilaang isang buwang palugit na magkaroon ng pagkakataon para mapabuti at maayos pa ng husto ang operasyon ng mga expressway.
Makatutulong rin ito sa publiko na magkaroon ng sapat na abiso para hindi magdulot ng kalituhan.
Sa ilalim ng revised expressway guidelines , magkakaroon ng multa ang mga motorista na hindi pa nag i-install ng electronic toll collection device.
Sakop rin ng parusa ang mga motorista na hindi sapat ang load balance sa kanilang Frequency Identification Device o RFID.
Una nang ipinag utos ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang patuloy na deputization efforts sa mga tollway enforcer.