Magpapatupad ang Department of Transportation (DOTr) ng “no vaccination, no ride/ entry” sa mga pampublikong sasakyan sa National Capital Capital Region (NCR) na kasalukuyang nasa Alert Level 3.
Base sa memorandum na inilabas ni DOTr Secretary Arthur Tugade na papayagan lamang makasakay sa mga pampublikong sasakyan ang mga taong fully-vaccinated na.
Dapat ipakita ang kanilang physical o digital copies ng kanilang local-government issues na vaccination card.
Maari ding ipakita ang vaccination certificate mula sa Department of Health.
Isa aniya ito ng hakbang sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na limitahan ang paggalaw ng mga mamamayan na ayaw magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19.
Ayon naman kay Tranportation Undersecretary for Administrative Service Artemio Tuazon na epektibo ang nasabing kautusan sa Enero 17 para mabigyan ng tsansa ang mga mananakaya na makapag-adjust.
Ang mga exempted naman sa “no vaccination, no ride” policy ay yung tao na mayroong medical conditions na hindi maari sa kanila ang magpabakuna basta may maipakita silang medical certificate na pirmado ng doctor.
Mga taong bibili ng mga essential goods and services gay ang pagbili ng pagkain, gamot, medical devices, nangangailangan ng medical at dental services basta may maipakitang certification mula sa mga barangay.