-- Advertisements --
DOTr BAUTISTA

Bumuo si Transportation Secretary Jaime Bautista ng isang special body na kinabibilangan ng mga indibidwal na hindi konektado sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ito ay upang tingnan ang posibleng kapabayaan na maaaring humantong sa airspace shutdown noong Enero 1.

Ipinaliwanag ni CAAP deputy director general for operations Edgardo Diaz na ang internal investigation ng CAAP ay nakatuon sa pagtukoy sa ugat ng insidente.

Nilinaw naman nito na nakatutok sila kung ano ang pagkukulang at dapat e-improve upang hindi na maulit ang insidente.

Kung maalala, sa ginawang pagsisiyasat ng Senado sa pagsasara ng airspace sa Araw ng Bagong Taon, muling binuhay ni Senador Grace Poe ang kanyang panawagan para sa paglikha ng isang independent transportation safety board upang imbestigahan ang mga insidente na katulad ng nangyari noong Enero 1.