-- Advertisements --
Naging malamig ang tugon ng Department of Transportation (DOTr) sa hiling ng ilang mambabatas na bigyang ng isang taon ang mga pampasaherong jeepney na hindi nakapag-consolidate na mag-comply sa requirement ng gobyerno.
Sinabi ni DOTr Undersecretary Andy Ortega na mismo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang nagsabi na hindi na papalawigin ang April 30 na deadline sa pag-consolidate ng mga sasakyan.
Dagdag pa ng opisyal na magmumukhang hindi sila pantay sa pagtrato sa mga pampasaherong sasakayan kung palawigin pa ito.
Magugunitang nagmatigas ang ilang mga operator ng mga pampasaherong sasakyan na hindi magkonsolidate dahil sa kontra sila sa pag-phase out ng mga traditional jeepney.