Hindi sang-ayon ang Department of Transportation (DOTr) na permanenteng paliwigin ang operating hours ng Metro Rail Transit at Light Rail Transit.
Ayon sa DOTR na bagamat naiintindihan nila na magiging kombeniente sa mga pasahero ang nasabing pagpapalawig ng oras.
Subalit ang tanging problema lamang aniya ay makukumpromiso na ang maintenance time ng rail system na magdudulot sa isyu ng saftey.
Isinasagawa kasi ang maintenance work ng MRT at LRT lines tuwing non-operating hour na isang kritikal na paraan para matiyak ang kaligtasan at walang tigil na opersyon ng tren tuwing kada araw.
Ibinahagi na lamang ng DOTr na maaaring magamit ang EDSA Bus Carousel at mga Jeepney.
Magugunitang ilang grupo ang nanawagan sa DOTr na dapat ay palawigin ang operasyon ng MRT at LRT lalo na ngayong kapaskuhan na nakakaranas ng matinding trapiko.