-- Advertisements --

Naganunsyo ng panibagong adjustments ang Department of Transportation para sa mga operasyon ng tatlong metro railways sa Metro Manila ngayong holiday season.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, ang adjusted at extended operating hours ng mga tren ay mga piling araw lamang para masiguro pa rin na makakapiling ng mga empleyado ng mga railway systems na ito ang kanilang pamilya ngayong holiday season lalo na sa pasko at bagong taon.

Simula kahapon hanggang sa December 24 at 31 maguumpisa ang mga operasyon mula sa North Avenue station ng 4:30am hanggang 10:34pm habang 4:30am hanggang 11:08pm naman ang mga operasyon sa Taft Avenue.

Para sa LRT line 2 naman, maguumpisa ngayong araw hanggang December 23 ang extended operating hours nito hanggang 9:30pm ang manggagaling ng Antipolo habang 10:00pm naman ang last trip mula sa Recto. Regular operating hours naman ang ipapatupad para sa Decemeber 25 hanggang December 30 at simula January 1.

Samantala ang mga adjustments naman sa operasyon sa LRT line 1 ay uumpisahan pa sa December 20 na maguumpisa ng 4:30am hanggang 10:30pm para sa last trip ng mga ito.

Ang mga adjustments na ito ay para mabigyang daan din ang mga maintenance na kakailanganin ng mga tren para sa mas ligtas na mga operasyon nito sa araw-araw.