Ang Department of Transportation (Dotr) ang may pinaka malaking budget para sa para sa susunod na taon.
Batay sa isinumiteng 2025 National Expenditure Program ng Department of Budget and Management sa Kamara ngayong araw, nakasaad na P180.9 billion pesos ang alokasyon para sa DOTr na mas mataas kumpara sa 73.9 billion pesos sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act.
Nasa 144.8 percent na mas mataas ang pondo ng ahensya na gagamitin para sa funding requirements sa major rail, land, air at sea transportation projects.
Kasama sa popondohan ng DOTr ang Active Transport Bike Share System and Safe Pathways Program na may 60 million pesos; 12.7 billion pesos para sa Cebu Bus Rapid Transit Project, Davao Public Transport Modernization Project at Public Utility Vehicle Modernization Program.
P64 million pesos din ang ilalaan para sa EDSA Busway project.
Samantala, nakapaloob sa Rail Transport Program ang P107.3 billion pesos na pondo na mas mataas ng 810 percent kumpara sa kasalukuyang budget kung saan kasama ang North-South Commuter Railway System, MRT-3 Rehabilitation Project at Metro Manila Subway Phase 1.
Bibigyan din ng pondo ang Aviation Infrastructure Program partikular ang konstruksyon at rehabilitasyon ng domestic airports tulad ng Tacloban, Dumaguete, Busuanga, Laoag, Iloilo, Virac, New Manila International Airport, Siquijor, Central Mindanao at Zamboanga.
Nakatutok naman ang pamahalaan sa pagpapabuti ng port facilities at services sa maritime sector.
Paliwanag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, kaya lumaki nang husto ang alokasyon sa DOTr ay dahil kailangan nang magbayad ang gobyerno para sa mga proyekto na karamihan ay foreign-assisted.
Ang mga iba pang ahensiya na may malalaking pondo para sa 2025 national budget ay ang mga sumusunod:
DND – P1.70-Billion
NICA – P992 -Million
PNP – P806- M
PDEA – P500-M
DOJ – P579.4 -M OSEC, BI, NBI, OSG,
DOF – BOC At BIR P79.5-M
DOTR – OTS at PCG P405-M
COA – P10-M
AMLAC – P7.5-M
NATIONAL SECURITY COUNCIL – P250-M
OPAPRU – P6O-M Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity
OMBUDSMAN – P51-M
COMMISSION ON HUMANR OGHTS – P1-M
GAB – P4-M