-- Advertisements --

Minaliit lamang ng Department of Transportation (DOTr) ang dalawang araw na ikinasang tigil pasada ng grupong Manibela at PISTON.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, na ang paglikha lamang ng trapiko ang naging tagumpay ng nasabing grupo.

Subalit kung pag-uusapan aniya ang pagparalisa ng transportasyon ay bigo ang nasabing mga grupo.
Napaghandaan aniya ng gobyerno ang nasabing tigil-pasada ng grupo kaya hindi nagtagumpay ang mga ito.

Magugunitang naglunsad ng dalawang araw na tigil pasada ang grupo bilang pagtutol saPUV modernization program ng gobyerno.