-- Advertisements --

Pinangunahan ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority ang pormal na pagbubukas ng Philam QC Edsa Busway station ngayong araw July 15, 2024.

Personal na dumalo rito si DOTr Secretary Jaime Bautista kasama sina DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Jesus Ferdinand ‘Andy’ Ortega at MMDA Chairman Romando ‘Don’ Artes at iba pang kawani ng nasabing ahensya.

Dahil dito, inaasahang na mas mapaluluwag nito ang pedestrian traffic at magkakaroon din ng mas ligtas at seamless ang pagsakay at pagbaba ng mga pasaherong komyuter na manggagaling at pupunta sa naturang lungsod.

Bukod dito, inilahad din dito ang pagkaroon ng newly-installed smart traffic surveillance system dahil nag install sila ng 145 pan tilt and zoom cameras at gayundin ang paglalagay ng 21 bullet cameras sa nasabing busway.

Sa kasalukuyan, nasa 18 na ang operational bus stations sa median lane ng EDSA Busway kabilang ang Philam QC.

Top