Muling nawagan ang Department of Transportation (DOTr) sa grupo ng Manibela na tigilan na ang pagkakasa ng transport strike dahil malaki ang nagiging epekto nito sa mga mananakay na siyang umaasa sa mga pampublikong transportasyon.
Sa isang press conference na ginanap sa mismong opisina ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong umaga, mismong si Transportation Secretary Vince Dizon na ang nagpaliwanag na handa naman makipagusap ang liderato ng DOTr sa mga transport groups dahil nakikinig naman aniya ang kanilang pamunuan sa mga hinaing ng kanilang sektor.
Paliwanag pa ng kalihim, magkakaroon ng talakayan ang kanilang pamunuan sa Martes at maging sa Huwebes kasama ang ilan pang transport groups upang madinig din ang mga hinaing at opinyon ng mga ito tungkol sa Public Transport Modernization Program (PTMP).
Nanawagan naman ang ahensya sa Manibela na imbis na magsagawa ng strike at pahirapan ang mga mananakay sa ibat ibang bahagi ng Maynila ay sana makipagtalakayan na lamang muna ang grupo sa pamunuan ng DOTr.
Ani Dizon, handa naman ang departamento na pakinggan at bigyan ng solusyon ang kanilang mga siyu at daing at maging ang kanilang mga nais sabihin tungkol sa modernization program ng mga pampasaherong jeep.
Sa isang eksklusibong panayam naman ng Bombo Radyo sa lider ng Manibela na si Mar Valbuena, iginiit nito na maaaring ituloy-tuloy nila hanggang Biyernes ang strike sa ibat-ibang bahagi ng bansa kung hindi pa rin maaayos ang consolidation figures ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa lalong madaling panahon.
Aniya, kaunti lamang silang miyembro ng grupo at mismong ang pamunuan na ng DOTr ang nagsabi na may ipapatupd silang libreng sakay para sa mga apektadong mananakay kaya naman para saan aniya ang panawagan na ito ng kalihim.
Humingi naman ng pangunawa ang lider ng grupo sa mga commuters dahil sa tatlong araw na strike na maaaring magdulot sa kanila ng kaunting aberya.
Aniya, kung ang mga mananakay ay nahihirapan sa tatlong araw na strike, ang mga tsuper at operators din ay umaaray sa araw-araw umano na pagmumulta at paghuli sa kanila at sana ay maunawan ng mga ito kung saan nanggagaling ang kanilang mga saloobin.
Samantala, nakahanda naman ang pamunuan ng DOTr katuwang ang MMDA para sa mga apaktadong commuters sa ibat ibanag bahagi ng Maynila.
Ayon kay Dizon, isa sa kanilang mga naging response para matiyak na hindi makakarans ng aberya ang mga mananakay sa tatlong araw na strike ay ang patuloy na monitoring at ang paghahanda ng mga bus para sa libreng sakay ng kanilang ahensya.
Isa rin sa paraan ng departamento ay ang pagdadagdag ng isa pang tren sa Light Rail Transit (LRT) Line 1 lalo na kapag rush hour para sa maginhawang biyahe ng mga commuters.
Nagbigay din ng tulong sa pamamgaitan ng mga bus n standby ang Pahilippine Coast Guard (PCG) para kung kailanganin man ito ng MMDA at ng DOTr lalo na sa mga peak hours.
Sa ngayon inaantabayan naman kung ang naturang strike ay mas ieextend pa hanggang Biyernes habang patuloy naman din sa pagmonitor ang transportation agencies para sa mga maaaring aberya o kakailanganing buses para sa libreng sakay ng kanilang departamento.