Muling pinalawig pa ng Department of Transportation (DOTr) ang libreng sakay sa Metro Rail Transit-3 hanggang sa Hunyo 30 ng kasalukuyang taon.
Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, ito pa rin ay bahagi ng assistance ng gobyerno para sa mga mananakay sa Metro Manila dahil sa ilang serye ng pagsipa ng mga presyo ng mga produktong petrolyo simula pa noong Disyembre ng nakalipas na taon na nakaapekto sa presyo ng pangunahing bilihin.
Nakatakda na matapos sa mayo 30 ang pagbibigay ng libreng sakay subalit ayon kay Tugade napagpasyahang palawigin pa ito hanggang sa katapusan ng Hunyo, ang mismong araw na bababa na sa pwesto mula sa Malacanang si Pangulong Rodrigo Duterte.
Maalala na ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagbibigay ng libreng sakay sa MRT mula noong Marso 28 para masuri ang significant improvement sa mga sercbisyo ng MRT kasunod ng isinagawang rehabilitation at pagbili ng karagdagang tren.
Iniulat naman ng DOTr na nasa mahigit 15 million mananakay ng MRT ang nabenepisyuhan ng libreng sakay program ng gobyerno.