-- Advertisements --

Ngayon pa lang ay humingi na ng pang-unawa ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) sa publiko hinggil sa inaasahang mabigat na trapikong idudulot ng konstruksyon ng Metro Manila Subway.

Sa isang panayam sinabi ni Transportation Sec. Arthur Tugade na sana’y maunawaan ng mga motorista sa Metro Manila ang kalbaryong dala ng konstruksyon, dahil kapalit naman daw nito’y kaginhawaan ng mga mananakay kapag natapos na.

Kamakailan nang pasinayaan ang groundbreaking ng proyekto.

Sa ngayon target ng pamahalaan na matapos ang unang tatlo mula sa 15 istasyon pagdating 2022.