Nagbabala ang Department of Transportation sa publiko tungkol sa isang social media page na nagpapanggap na official channel ng DOTr.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOTr na ang ”Manila Metro” page ay hindi opisyal na account ng ahensya at hindi kumakatawan sa AF Payments Inc. na may-ari ng Beep Cards.
Ang DOTr ay hindi nag-eendorso o sumusuporta sa anumang hindi opisyal na social media account sa naglipana sa internet.
Kaugnay nito, shiwalay na pahayag, binalaan ni DOTr Assistant Secretary for Railways at MRT3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino ang mga mananakay ng posibleng mapanlinlang na online transactions dahil sa alok ng page ng “12-Month Free Subway Rides Card.”
Aniya, ang DOTr, MRT3, at ang Light Rail Transit Authority ay hindi kailanman humihiling ng mga detalye ng credit card sa alinman sa kanilang pakikipag-ugnayan sa publiko.
Hinihimok ng ahensya ang mga commuter na i-verify ang lahat ng online information n sa pamamagitan ng mga opisyal na website at social media channels ng DOTr.
Sinabi ng nasabing departamrnto na may karapatan itong magsagawa ng legal actions laban sa hindi awtorisadong paggamit ng pangalan o pagkakahawig ng ahensya para sa mapanlinlang na layunin at mga iligal na aktibidad.