Nagbigay ng samu’t saring tips ang Department of Transportation sa mga magulang ng mga bata upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito.
Ito ay isinagawa ng ahensya bilang pakikiisa nila sa ‘National Safe Kids Week’ sa bansa.
Pagpapaalala ng DOTr, siguraduhin daw na gumamit ng child car seat sa loob ng kanilang mga sasakyan, siguraduhin din daw na may extra seatbelt ang mga bata.
Habang ipinagbabawal din nila ang pag iwan sa knailang mga anak sa loob ng sasakyan nang mag-isa at huwag daw ipwesto sa harapan ang mga bata.
Bukod dito hinikayat naman ng kagawaran ang mga Pilipino na palaging bantayan ang mga bata at sawayin ang mga ito kung makikitang naglalaro sa likod ng nakaparadang sasakyan.
Habang nagbabala naman ang DOTr na huwag daw tumawid sa mga palikong bahagi ng kalsada, dumaan sa mga pedestrian lane, siguraduhing mag-ingat pa rin sa paglalakad sa mga sidewalk at kung bababa sa sasakyan ay maging mapagmatiyag pa rin.
Sa ngayon ay patuloy naman daw ang ginagawang mga proyekto at programa ng ahensya upang maisulong ang kaligtasan ang mga bata.