-- Advertisements --

Patuloy ang Department of Transportation o DOTR at ibang ahensya ng gobyerno sa paghahanap ng pangmatagalang solusyon sa tumitinding trapiko sa National Capital Region.

Ginawa ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang pahayag kasunod ng ulat ng Tomtom International kung saan nanguna ang Metro Manila sa may pinakamalalang trapiko sa buong mundo.

Ayon sa kalihim, ang mga ginagawang transport infrastructure project ng pamahalaan ay kabilang lamang sa mga hakbang ng pamahalaan upang matugunan ang lumalalang trapiko sa Metro Manila.

Kaugnay nito, patuloy aniya ang paghahanap ng creative na solusyon ang DOTr at pabibilisin ang mga transport infrastructure project sa bansa upang matugunan ang problema sa trapiko