Naghain na ng show cause order si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon katuwang ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Civil Aeronautics Board (CAB) sa flag carrier ng aircraft na nag-emergency landing sa Japan.
Sa isang pahayag, pinagpapaliwanag ng mga naturang ahensya ang pamunuan ng Philippine Airlines (PAL) para ipaliwanag kung ano ang nangyari sa likod ng naging usok sa cabin ng naturang eroplano.
Nais din ng DOTR na magbigay ng compensation ang pamunuan ng sangkot na airlines para sa mga apektadong pasahero ng PR102 dahil sa idinulot nitong delays sa mga pasahero.
Ito ay kasunod ng naging direktiba ni Dizon sa CAAP na imbestigahan ang naturang insidente.
Samantala, batay sa pahayag ng snagkot na flag carrier, lahat ng 355 na mga pasaherong lulan ng aircraft ay kasalukuyang nasa maaayos na kalagayan.