-- Advertisements --
image 201

Naglabas ang Department of Transportation(DOTr) ng mga bagong alituntunin at regulasyon para sa Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs) at Private Emission Testing Centers (PETCs) para magarantiya ang roadworthiness at pagsunod ng mga unit sa mga pamantayan ng gobyerno.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOTr na ang mga bagong rules and regulations ay nakapaloob sa Department Order No. 2023-008.

Kabilang sa alituntunin ang mas mahigpit na parusa para sa mga paglabag nito upang matiyak ang kalidad ng mga serbisyo ng inspeksyon ng mga vehicles.

Tiniyak din ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang katumpakan ng mga pasilidad ng Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs) at Private Emission Testing Centers (PETCs).

Pinaalalahanan ng departamento ang publiko na ang mga nabanggit na pasilidad ay magkaibang vehicle monitoring centers.

Pinayuhan ng DOTr ang publiko na ipahayag ang kanilang mga alalahanin at mga katanungan sa mga tamang channel ng Authorization Committee sa kanilang mga social accounts.