Nagpaalala ang Department of Transportation (DOTr) sa publiko tungkol sa mga kumakalat sa social media na mga insidente ng hindi umano’y tanim-bala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, ang tatlong insidenteng ito ay hindi isang kaso ng tanim-bala. Batay aniya sa nakalap at naging imbestigasyon ng Office of Trasnportation Security (OTS), ang mga insidente ay hindi aniya gawa ng kanilang mga tauhan.
Makikita kasi sa mga nakalap na video na dumaan sa tamang proseso ang mga bagahe ng tatlong pasahero na nahulihan ng mga live ammunition sa magkakaibang petsa ngayong Marso.
Nakita din na dumaan ng mangilang ulit ang mga bagahe sa scanner para maberepika kung mayroon nga bang mga bala sa bagahe ng mga pasahero.
Nasa tamang proseso din aniya ang ginwang inspeksyon ng mga OTS personnels kaya naman paalala ni Dizon sa publiko, kung gaano silang kabilis na umaksyon sa mga personnels nilang nangaabuso ng mga pasahero, ay ganun din sila sa mga mamamayang sinasamantala ang ganitong sitwasyon para gumawa ng hindi mabuti sa kanilang mga kapwa.
Sa ngayon ay sumasailalim pa rin sa mas maiging imbestigasyon ang insidente na siyang nakapagdulot ng trauma sa mga pasahero.