-- Advertisements --

Nagsagawa ng inspeksyon ang pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) sa pangunguna ni Transportation Secretary Vince Dizon ang mga pasilidad at bahagi ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) katuwang ang mga opisyal ng Department of Tourism (DOT), Department of Migrant Workers (DMW), at kasama rin ang Manila International Airport Authority (MIAA).

Sa kaniyang naging pagiikot, personal niyang tinungo ang Terminal 1 at Terminal 3 at masayang nakipagdayalogo sa mga pasahero sa kaniyang mga naging pagiikot.

Layon ng inspeksyon na siguruhing ligtas, malinis at gumagana nang maayos ang mga pasilidad at kagamitan sa loob ng paliparan para sa inaasahang dagsa ng mga pasahero para sa Semana Santa.

Ayon sa kalihim, direktiba mula sa mahal na pangulo na habang papalapit ang Holy week ay dapat nakaantabay ang lahat ng mga ahensya ng gobyerni para matiyak ang kaligtasan ng mga terminals at siguruhing maayos at maginhawa ang magiging travel experience ng mga mamamayang lalabas o papasok sa bansa.

Aniya, ito ang pangunahing bilin ni Presidente Ferdinand Marcos kaya naman minainam na rin ng kanilang pamunuan na magsagawa ng inspeksyon sa lahat ng terminal, pantalan, paliparan at iba pang transportation medium para matiyak na masusunod ang ditektibang ito.

Samantala, para naman sa DOT, napansin ng kanilang pamunuan na talagang inuuna ng mga personel sa NAIA ang kabutihan at kaayusan ng mga pasahero.

Ani DOT Secretary Christina Frasco, mas nabibigyan ngayon ng karampatang atensyon ang mga pangangailangan ng mga pasahero dulot ng mga upgrades at pagbabago sa paliparan.

Inaasahn din aniya ng kanilang pamunuan ang mataas na bilang ng mga psahero ngayong holy week kaya naman inatasan na ng kalihim ang kanilang mga regional offices na i-activate na ngayong araw ang kanilang mga operasyon lalo na sa mga lugar na may nga tourist destinations.

Sa ngayon naman ay patuloy na magsasagawa ng inspeksyon ang mga ahensya para mas matiyak na magiging maayos at payapa ang magiging holy week exodus sa susunod na linggo.

Inaasahan naman ng pamunuan ng NAIA na halos 155,000 na mga pasahero sa isang araw ang kanilang mapagsisilbihan para sa linggo ng Semana Santa.