Nais humingi nang katiyakan si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa Inter-Agency Task Force (IATF) kung maari na bang luwagan ang mga ipinapatupad na health protocols sa sektor ng pampublikong tranportasyon.
Sa ginawang pagpupulong ng IATF kay Pangulong Rodrigo Duterte kaabi, humingi nang paglilinaw ang kalihim kung magkakaroon ba ng pagbabago sa mga ipinapatupad nilang health protocols.
Halimbawa aniya ay kung ibabalik pa ang paggamit muli ng face shields sa mga pampasaherong sasakyan.
Plano rin ng DOTr kasi na pagdating ng Disyembre ay gawin ng 100 percent ang mga pasaherong papayagang pasasakayin sa mga pampasaherong sasakyan mula sa umiiral na 70%.
Tiniyak naman ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na kanilang tatalakayin ang ipinarating na usapin ni Tugade sa pagpupulong sa Huwebes ng IATF.