-- Advertisements --
DOTR JAIME BAUTISTA

Matapos na makatanggap ng Department of Transportation ng 100-B unsolicited proposal para sa rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport, nais ng ahensya na suriin itong mabuti.

Mula umano itong unsolicited proposal sa mga malalaking grupo dito sa bansa at isang international na kompanya.

Ayon sa ahensya ito ay pag-aaralan pang mabuti at bukas pa naman umano sila sa iba pang proposal para sa rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport.

Samantala, sa ibang balita naman, ngayong araw ay naganap ang groundbreaking ceremony para sa Contract Package ng Metro Manila Subway Project.

Sa ilalim nito ay magtatayo ng dalawang subway stations, ang Quezon Avenue Station at ang East Avenue Station.

Ito ay kokonekta sa LRT 1, LRT 2, MRT 3, MRT 7, Anonas Station at sa Grand Common Station.

Inaasahan naman na magiging operational itong subway sa taong 2028.

Ito ay mas magpapabilis ng mga at magiging maginhawa na raw ang biyahe.

Nasa halos 519,000 naman ang pasaherong kaya nitong e accommodate kada araw.

Ayon kay Secretary Bautista, hindi lang umano magbibigay ng comfort at convenience itong bagong mga subways, kundi magbibigay rin ito ng job opportunities sa mga Pilipino.