
Napagkasunduan ang Department of Transportation (DOTr) at iba pang stakeholders na pabilisin pa ang implementasyon ng EDSA Greenways Project.
Ito ay matapos pirmahan ng DOTr sa pangunguna ni Sec Jaime Bautista, DOLE, at mga kinatawan ng pribadong sektor ang isang kasunduan para rito.
Ang EDSA Greenways Project ay isang elevated at covered green walkways.
Nilalayon nitong mai-konekta ang mga istasyon ng MRT-3 at iba pang transportasyon sa EDSA kasama na ang pagpapabuti sa transportation connectivity sa lugar.
Paliwanag ni Sec. Bautista, sa tulong ng EDSA Greenways, EDSA Busway at bike lanes ay maibabalik ang orihinal na karakter ng EDSA na nagsisilbing pinakamabilis na daanan sa Metro Manila.
Tiniyak din ng kalihim na sa pamamagitan ng Greenways ay mapoprotektahan ang kapakanan ng mga pedestrian o mga commuters na kadalasang pinipili ang paglalakad patungo sa mga terminal o sakayan.
Sa panig naman ng Department of Labor and Employment(DOLE), tiniyak nitong mabibigyan ng sapat na kabuhayan ang mga residente na maaaring maaapekto sa naturang proyekto.