Ipinag-utos na ng Department of Transportation (DOTr) sa mga attached agencies nito na ilagay sa high alert ang mga kawani nito bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong panahon ng kapaskuhan.
Ayon kay Transportation USec. Timothy Batan, inatasan na rin ang mga opisyal ng ahensiya na magpatupad ng mga hakbang para matiyak ang kaligtasan ng mga mananakay sa gitan ng inaasahang pagdagsa ng mga babiyahe simula ngayong weekend.
Tiniyak din ng opisyal na mayroong sapat na enforcers ang ahensiya para matulungan ang mga sasakyan na nagkakaabery sa mga daanan gayundin ang pagtiyak na mayroong sapat na mga pampublikong transportasyon at mga tren para matugunan ang demand sa mga babiyaheng pasahero.
Inihayag din ng DOTr official 24/7 ang mga operasyon ng attached agencies ng ahensiya at lahat ng kanilang booths at iba pang pasilidad ay fully staffed din para maiwasan ang matagal na pag-aantay ng mga pasahero sa mga terminal.
Magpapaskil din ng mga tarpaulin na may nakalagay na emergency at hotline phone numbers na maaaring tawagan ng mga biyehero ngayong holiday season at mananatiling bukas ang kanilang direcy communication lines.