-- Advertisements --

Handang-handa na ang pamunuan ng Department of Transportation upang umalalay sa mga pasahero ngayong nalalapit na Semana Santa.

Ayon sa ahensya, layon niyong masiguro ang kaligtasan ng mga pasaherong uuwi sa kani kanilang lugar sa Mahal na Araw.

Kaugnay nito , na naka-heightened alert na ang ahensya maging ang apat na sektor nito.

Ito ay magsisimula sa March 23 at magtatapos naman sa March 31 ng kasalukuyang taon.

Bahagi pa rin ito ng paghahanda sa Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024 ng DOTr.

Sinabi pa ng ahensya na inaasahan kasing dadagsain ng mga pasahero ang mga terminal, pantalan, paliparan, at istasyon ng mga tren.

Pinaalalahanan rin nito ang publiko na maging maingat at magplano ng mas maaga para hindi maabala at maging smooth ang biyahe ngayong nalalapit na Semana Santa.