Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na isusumite nito sa Senate committee on public services ang mga natuklasan sa imbestigasyon sa Communication, Navigation and Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) system sa susunod na linggo.
Sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang kanilang mga “findings” ay ipapakita sa Pebrero 15.
Ang investigating body – na binubuo ng Department of Transportation (DOTr), Department of Information and Communications Technology, Cybercrime Investigation and Coordinating Center, National Bureau of Investigation at National Intelligence Coordinating Agency – ay handang magsumite ng mga findings nito sa nasabing petsa.
Magugunitang sa Araw ng Bagong Taon, nagkaroon ng shut down sa sistema pagkatapos ng nangyaring technical glitch na nagreresulta sa pagsasara ng airspace ng Pilipinas nang ilang oras.
Ang mga opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ay nagpaalam sa mga senador sa isang ocular inspection sa Air Traffic Management Center bilang bahagi ng pagtatanong ng Senado sa Air Traffic Management Center mechanical failure na nakagambala sa Philippine air traffic noong Enero 1.