Nakipagsanib-pwersa ang Department of Transportation sa Department of Interior and Local Government (DILG) at Metro Manila Development Authority (MMDA) sa pamamagitan ng paglagda ng isang tripartite cooperation agreement para masugpo ang mga kolorum na sasakyan bilang parte ng hakbang na matugunan ang trapiko sa Metro Manila.
Ayon sa DOTr, ang naturang kasunduan ay nilagdaan nina Transportation Secretary Jaime Bautista, Interior Secretary Benhur Abalos, at MMDA Chairman Romando Artes.
Sa ilalim ng kasunduan, magsasagawa ang Joint Task Force ng DOTr, DILG, at MMDA ng traffic, clearing at anti-colorum operations sa rehiyon.
Sinabi naman ni Transportation Sec. Bautista na matutugunan ang mabigat na daloy ng trapiko sa rehiyon sa pagsugpo sa mga kolorum kaakibat nito ang pag-suporta sa mga lehitimong driver at operators ng mga pampublikong sasakyan maging ng mga komyuter.