Nakipagtalakayan ang Department of Transportation (DOTr) sa pangunguna ni Transportation Secretary Vince Dizon sa mga iba pang transport groups upang talakayin ang mga isyung kinakaharap ng kanilang programa na Public Transportation Modernization Program (PTMP).
Pagtitiyak ni Dizon sa publiko, patuloy na inaalam ng kanilang ahensya katuwang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga isyung kinakaharap ng programa upang makapagbigay ang mga ito ng kongkretong solusyon para rito.
Ngayong araw ay nakausap ng kalihim ang National Federation of Transport Cooperatives (NFTC) para mapakinggan muna ang panig ng mga panig sa programa at maging ang mga talima sa modernisasyon ng mga pampasaherong jeep.
Kasama sa talakayan ang pagtatama rin ng datos kung saan nakikita ito ng kalihim bilang unang hakbang para maresolba ang mga problema sa programa.
Samantala, pinunto naman ng mga transportation cooperatives na ang pinakaisyu ng programa ay ang mismong financing ng mga makabagong units, ang route rationalization, seldo ng mga transport workers at marami pang iba.
Sa ngayon ay patuloy na inaagapan na ng ahensya ang mga problemang ito para maging mayos ang implementasyon ng PTMP.