Tiniyak ng Department of Transportation na nanatili silang bukas sa pakikipag dayalogo sa mga Transport Group hinggil sa PUV Modernization.
Ginawa ng ahensya ang pahayag, kasunod ng tigil-PASADA na ikinasa ng grupong PISTON na balak namang segundahan ng grupong MANIBELA.
Ang tigil-pasada at kilos protesta na ito ay bilang pagpapakita ng pagtutol sa itinalagang deadline ng DOTr para sa franchise consolidation application bilang bahagi ng modernisasyon sa transportation sector.
Sa isang pahayag, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista, patuloy ang mga isinusulong nilang mga hakbang upang maisaayos ng husto ang hangarin ng pamahalaan na i modernize ang pampublikong transportasyon sa bansa.
Ito rin aniya ay magbibigay ng mas malawak na pagkakataon ang maraming operator at tsuper .
Kumpiyansa rin ang kalihim na mareresolba ang ganitong usapin kasabay ng pagtitiyak na walang maiiwan.
Patuloy rin na nakikipag-ugnayan ang opisyal sa kay PISTON President Mody Floranda upang bigyang linaw ang maling paniniwala hinggil sa PUV Modernization.