Nanindigan ang Department of Transportaton na hanggang December 31 nalang makakabyahe ang hindi nakag-consolidate na mga pampublikong jeep sa bansa.
Ayon kay transportation secretary Jaime Bautista, na magsasagawa sila ng pagtitipon para sa mga grupong sumusuporta sa PUV modernization program ng gobyerno.
Layunin nito mahikayat ang mga tsuper at operator ng dyip na mag-consolidate at sumapi na sa mga korporasyon o kooperatiba para makatalima sa naturang programa.
Dagdag pa ng kalihim na dalawang grupo lamang umano ang kontra sa consolidation. Ito ay ang Piston at Manibela.
Samantala ang sentro ng isasagawang kilos-protesta ng grupong PISTON ay sa Central Luzon, Southern Tagalog at Metro Manila.
Ayon naman sa sektor ng transportasyon na sakaling may ipatutupad na transport strike ay nakahanda pa rin sila na mag-antabay upang serbisyohan ang mga pasahero.