-- Advertisements --

Nanindigan ang Department of Transportation (DOTr) na hindi na ito magbibigay ng panibagong extension para sa franchise consolidation ng mga jeepney operator at mga driver.

Ito ay sa ilalim ng nagpapatuloy na Public Transport Modernization Program (PTMP) ng pamahlaan.

Iginiit ni Transportation Usec Andy Ortega na ang pinaka-huling ekstensyon na ibinigay ng pamahalaan ay inilaan lamang para sa pagsali ng mga operator at driver sa mga kooperatibang dati nang nabuo.

Ito ay ang 45 araw na palugit na unang inilabas at nagpaso nitong huling araw ng Nobyembre.

Ayon kay Ortega, ito na ang pinakahuling hakbang na ibinigay ng gobyerno para lamang ma-accommodate sana ang mga operator at driver.

Mahabang panahon na aniya ang ginugol ng pamahalaan upang mahikayat ang lahat ng mga operator at driver na lumahok sa naturang programa at nais na ng gobiernong maituloy ito.