Kinumpirma ng Department of Transportation (DOTR) na nasa proseso na sila sa pagbalangkas ng panuntunan kaugnay sa panghuhuli sa mga biker ng angkas.
Aminado sina LTO Enforcement Division Director Francis Almora at PNP-HPG Director CSupt. Roberto Fajardo na nagkaroon ng kalituhan nang magsagawa ng operasyon ang ibat ibang traffic enforcement unit ng gobyerno laban sa angkas.
Ilan sa mga traffic enforcers ay hindi batid kung anong violation ang kanilang ilalagay sa angkas biker.
Binigyang-diin ni Almora dapat iisa lamang ilalagay na violation ng mga traffic enforcers.
Una ng inihayag ng LTFRB na labag sa Republic Act 4135 ang angkas o ang pagbabawal sa mga single motorcycle na gamitin sa negosyo.
Ngayong arw nagpulong ang HPG at LTO para pag-usapan sa kung paano ipatutupad ang kautusan ng Supreme Court laban sa ride sharing app na ANGKAS.
Sa panig naman ni Fajardo dapat malinaw ang kahulugan ng salitang ANGKAS.