-- Advertisements --

Nilinaw ng pamunuan ng Department of Transportation na hindi nila aalisin ang EDSA Busway.

Ginawa ng ahensya ng pahayag sa kabila ng naging pangamba ng nakararami na tatanggalin na ang naturang linya para bigyang daan ang mga pribadong sasakyan na dumadaan sa Edsa.

Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista ,malaki ang naitutulong ng dedicated bus lane sa publiko kaya nanindigan ito na hindi aalisin ang naturang linya.

Kung maaalala, nakipagpulong ang DOTr kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para talakayin ang Comprehensive Traffic Management Plan (CTMP) para sa kalakhang Maynila.

Kaugnay nito ay kinumpirma ng ahensya na patuloy ang pagsasagawa ng plano para sa planong rehabilitasyon ng EDSA Busway.

Posibleng matapos ang isinasagawang feasibility study para sa pagsasailalim ng busway sa privatization sa loob ng ilang buwan mula ng simulan ito.