-- Advertisements --

Planong palawakin ng Department of Transportation (DOTr) ang pagbibigay ng libreng shuttle services sa mga health workers.

Sinabi ni DOTR Sec. Athur Tugade na mula ng ilunsad aniya ang free shuttle service ay mayroong 2.2 milyon na mga healhtcare workers ang nakinabang.

Sa kasalukuyan ay dinadagdagan nila ang ruta ng mga provincial buses para makatulong sa mga authorized persons outside residence.

Bukod aniya sa NCR ay nais na palawigin sa Bulacan, Laguna, Rizal at Cavite ang nasabing shuttle services.