-- Advertisements --
Papayagan ng Department of Transportation (DOTr) na pumasada ang mga pampasaherong jeepney na hindi sumama sa consolidation program ng gobyerno.
Sinabi ni DOTr Secretary Vince Dizon, na kaniyang pinagbigyan ang hiling ng nasabing mga transport group.
Hiniling nito sa mga drivers na magsagawa ng mekanismo para maging legal ang kanilang operasyon.
Natitiyak niya na magiging legalang kanilang pagbiyahe.
Magugunitang sa isinagawang pag-aaral ng DOTr na mayroon lamang 43 percent ng mga pampasaherong jeep ang pumasok sa consolidation program ng gobyerno para sa transport modernization program ng pamahalaan.