Pinag-aaralan ng Department of Transportation ang isang programa na naglalayong i-modernize ang mga domestic maritime vessels sa buong bansa.
Ito ay upang mapabuti ang kaligtasan at environmental-friendly, katulad ng jeepney modernization program ng gobyerno.
Sinabi ni Transportation Secretary Timothy John Batan na mahigit 25 taong gulang ang karaniwang edad ng mga barko sa bansa.
Aniya, kasama ang World Bank, ang DOTr ay nag-aaral ng isang programang katulad ng PUV modernization program ng gobyerno ngunit para sa mga barko, upang matulungan din ang shipping industry na ma-modernize.
Plano rin ng pamahalaan na palawakin ang mga kasalukuyang daungan sa iba’t-ibang lugar. Gayundin na dagdagan ang bilang ng mga daungan sa buong bansa.
Ayon kay Batan, mahalaga na magkaroon ng sapat ng bilang ng mga barko sa pantalan para na rin sa kalagayan ng mga pasahero na bumabiyahe.