-- Advertisements --
Pinag-aaralan na ng Department of Transportation (DOTr) ang pagbabalik ng libreng sakay ng EDSA Bus Carousel.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, na maaring maibalik ang libreng sakay subalit ito ay hanggang isang buwan lamang.
Aniya na nasa P2.1 bilyon lamang naibigay na pondo sa service contracting program kaya ito ay kulang para magpatuloy ang libreng sakay.
Nagsasagawa na rin sila ng feasibility study para sa nasabing privatization ng EDSA Bus Way.
Magugunitang nagtapos na ang libreng sakay ng EDSA Bus Carousel noong Disyembre 31, 2022.